Search This Blog

Monday, August 22, 2011

Introduksyon sa Maykroekonomiks: Lesson Plan sa Ekonomiks (High School)

LECTURE NOTES

Araw:  Monday – Wednesday                                                   3 Araw             
Petsa:  August 22-24, 2011                                                       Kurso: Araling Panlipunan                   
Year at Seksyon: IV – RR                                                        Oras:   3:00 – 4:00 pm
                           IV – CS                                                                    4:00 – 5:00 pm

                                   
I.       Layunin

A.     Panlahat: Napapahalagahan ang kaalaman sa maykroekonomiks bilang isang karaniwang kinsyumer o mamimili.

B.     Tiyak: Pagkatapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.      naipapaliwanag ang saklaw ng maykroekonomiks;
2.      naibibigay ang sariling pakahulugan ng demand;

II.     Nilalaman
A.     Paksa
Saklaw ng maykroekonomiks
Pagsusuri ng Demand
·        Kahulugan ng Demand
·        Iba pang Batayan ng Gawaing Pang-ekonomiko ng isang Indibidwal



B.   Kagamitan: Talahanayan, Powerpoint presentation,
C.   Sangunian: Ekonomiks, pahina 156-159, Economics: Its Concepts and Principles, p 103-104, Batay sa PCCLC Bilang II – 1.1, 1.2, 1.3, 1.4, http://vc.creativeallianceservices.com/economics.html

D.   Estratehiya: Talakayan, Pagpapalitan ng kuro-kuro at karanasan, panonood ng powerpoint presentation.

III.    Pamamaraan
A.     Panimulang Gawain: Panoorin ng powerpoint presentation ang mga bata ukol sa maykroekonomiks.


B.     Paglinang ng Aralin:
1.      Magpakita ng powerpoint presentation na may mga larawan para ipakita ang mga konsepto sa maykroekonomiks.
2.      Pasagutan ang talahanayn upang masuri ang kanilang personal na demand at matanto ang pagkakaiba ng hilig, kagustuhan, at pangagailangan.
A.     Pangwakas na Gawain

1.      Pagbubuod: Itanong kung ano ang mga pangunahing kaalamang dapat taglayin sa pamimili.

2.      Pagpapahalaga
Bilang isang konsyumer, tukuyin ang mga pansariling mga hilig, kagustuhan, at mga pangangailangan na dapat matugunan.

3.      Ebalwasyon

a.      Ano ang maykroekonomiks?
b.      Bakit mahalaga ang kaalaman sa maykroekonomiks?
c.      Ano ang demand?
d.      Paano magkakaroon ng demand?
e.      Anu-ano ang iba pang batayan ng gawaing pang-ekonomiko ng isang indibidwal?


I.       Takdang Aralin

1.      Ano ang mga salik na nakakaapekto sa demand?
2.      Gumamit ng halimbawa para maipaliwanag ang bawat salik.

II.     Puna:

LECTURE NOTES

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

10% OFF your online order!

Translate