A.Panlahat: Napapahalagahan ang kaalaman sa maykroekonomiks bilang isang karaniwang kinsyumer o mamimili.
B.Tiyak: Pagkatapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nabibigyan ng kahulugan o interpretasyon ang iskedyul at kurba ng demand;
2. nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand; at
3. naipapaliwanag ang kaugnayan ng demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod.
C. Nilalaman
1. Paksa
· Iskedyul at Kurba ng Demand
· Epekto ang Presyo sa Demand
2. Kagamitan: Talahanayan, Powerpoint presentation, talangguhit at mga larawan.
3. Sangunian: Ekonomiks, pahina 156-159, Economics: Its Concepts and Principles, p 103-104, Batay sa PCCLC Bilang II – 1.1, 1.2, 1.3, 1.4, http://vc.creativeallianceservices.com/economics.html
A. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain: Panoorin ng powerpoint presentation ang mga bata ukol sa iskedyul ng demand.
2. Paglinang ng Aralin:
1. Magpakita ng powerpoint presentation na may mga larawan para ipakita ang mga konsepto ng iskedyul ng demand.
2. Reporting ng mag-aaral na naatasan (student centered approach)
1. Ipakita na ang kahulugan ng demand ay nauukol sa dalawang konsepto: Kahandaan at Kakayanan.
2. Pag-aralan ang talahanayan at mga talangguhit sa pahina 158-159 ng batayang aklat. Ano ang ipinahahayag ng mga talangguhit?
3. Ipasuri at pagtalakayan ang kaugnayan/ epekto ng presyo ng mga kalakal o produkto at paglilingkod sa demand gayundin ang epekto ng demand sa mga produkto at paglilingkod.
3. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuod: Itanong kung ano ang mga implikasyon ng mga ilang pangyayari sa bansa (current news) sa kurba ng demand.
2. Pagpapahalaga
Bilang isang mamimili, ano ang iyong unang papansinin o isasaalang-alang upang mabili ang isang produkto? Bakit?
a. Presyo ng bilihin c. Kung uso o estilo
b. Kalidad ng bilihin d. Laman ng pitaka
1. Ebalwasyon
a. Ano ang ugnayan ng presyo at demand?
b. Ano ang isinasaad ng batas ng demand?
2. Pagpapayaman ng Aralin: Magpakuha ng datos sa isang pamilihan at atasan ang mga mag-aaral na ipakita ito sa isang talangguhit.
4. Takdang Aralin
1. Gumupit ng balita galing sa pahayagan. Idikit sa coupon bond at sumulat ng artikulo na nagpapahyag ng implikasyon ng balita sa demand ng ilang mga produkto.
5. Puna:
Nice post :)
ReplyDeletehttp://theteachingteacher.blogspot.com/