Search This Blog

Monday, September 10, 2012

Edukasyon sa Pagpapakatao: Mga Pananagutang Kaakibat ng mga Karapatan


MONDAY September   10,  2011                    
TUESDAY September   11,   2011                    
WEDNESDAY   Sept.  12,  2011                      
10:00 – 11:00

Edukasyon sa Pagpapakatao
LC. 2.4    
Naipapakita sa pamamagitan ng kaayusan sa paggawa ang pagmamahal sa kapwa at sa bayan.

I.             
A)   Napatunayan ang kahalagahan ng disiplina  sa pagpapairal ng kaayusan sa paggawa
B)     Nabibigyan diin ang kahalagahan ng disiplina sa paggawa.

               II.          Nilalaman: Aralin 4
        Paksa:                Mga Pananagutang Kaakibat ng mga Karapatan
        Sanggunian:        Sulo ng Buhay III, ph. 16 - 20
        Kagamitan:         Tsart, aklat, larawan
        Pagpapahalagang lilinangin > Disiplinang Pansarili
              III.          Pamamaraan
A)     Pagganyak
Tayo’y mga taong may karapatan at pananagutang kailangang gampanan.
B)     Gawain
Basahin ang dayalogo upang lubos na maunawaan sa ph. 16-17
C)     Pagsusuri
1.      Ano ang paksa ng usapan nina Marc at Ryan?
2.      Bakit itinapon lamang ni Marc ang kalat sa lapag?
3.      Ano ang sinabi ni Ryan sa inasal ni Marc?
4.      Bakit mahalaga na magampanan natin ang mga pananagutang kaakibat ng ating mga karapatan?
D)     Paghahalaw : Tuon
Tayong lahat ay hindi lamang may karapatan kungdi may mga tungkulin at pananagutan ding kailangang magampanan. Dito hindi tayo makaabuso sa kalayaang ating tinatamasa. Para rin ito sa ating mga kapakanan at kapakinabangan. Marapat lang na gawin ang ating mga pananagutan upang mapabuti tayo at maging isang huwaran at makabuhulang mamamayan.
E)      Pagsasabuhay
Basahin ang sanaysay. Bilang mabuting mamamayan, paano mo matutulungan ang iyong mga kababayan na malaman ang kanilang mga tungkulin at pananagutan? Magsulat ng halimbawa.
F)      Pagpapatibay
Basahin at intindihin “Ang ating mga tungkulin” ph. 1-8
Punan ang kahon ng mga angkop na tungkuling kaakibat ng mga binanggit na karapatan at ilagay kung bakit mahalagang magampanan ang mga ito.
Mga karapatan
Tungkulin
Bakit mahalaga
Mag – aral


Magsaya


Maghanap buhay


Malaya


Makipagkapwa



              IV.          Pagtataya
Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng mga clue na matagpuan sa mga pahayag.






Clue:
1)      Nagtatamasa ng karapatan at pananagutan.
2)      Katapatan ng ating pananagutan.
3)      Ibang salita ng tungkulin o pananagutan.
4)      Ang ating karapatan ay may _________ na pananagutan.
5)      Ibang tawag sa IBIG _________ .


               V.          Kasunduan
Magbigay ng maaaring bunga o kahihinatnan ng mga hakbang na inilahad na tungkulin at pananagutan.
              VI.          Remarks:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

10% OFF your online order!

Translate